-- Advertisements --

Ikinagalak ni British Prime MInister Boris Johnson na marami pa ring mga miyembro ng parliyamento ang sumusuporta sa kaniya.

Sa ginawang confidence vote ay nakakuha ito ng 211 na boto na sumusuporta sa kaniya habang mayroon lamang na 148 ng mga mambabatas ang hindi na nagtitiwala sa kaniya.

Iginiit din ito na hindi siya interesado na magkaroon ng general snap election.

Dahil sa panalo sa confidence votes ay nanawagan na lamang ito sa mga mambabatas na magkaisa at magtrabaho na lamang para sa kanilang bansa.