Nakakaapekto ngayon sa malaking bahagi ng bansa ang nabuong tropical depression Lannie.
Huli itong namataan sa layong 100 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Nakataas ngayon ang signal number one sa mga sumusunod na lugar: Southern portion ng Masbate, southern portion ng Romblon, southern portion ng Oriental Mindoro, southern portion ng Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan, kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Capiz, Aklan, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, northern at central portions ng Negros Oriental, Cebu, Bohol, Surigao del Norte, Dinagat Islands, northern portion ng Agusan del Norte, northern portion ng Agusan del Sur at northern portion ng Surigao del Sur.