-- Advertisements --
Maraming gusali ang nasira dahil sa naganap na pagsabog sa Nashville, Tennesse.
Ayon kay Metro Nashville Police spokesman Don Aaron na maaaring sinadya ang nasabing pagsabog.
Itinakbo sa pagamutan ang tatlong katao na nasugatan dahil sa insidente.
Sinabi naman ni Nashville Mayor John Cooper na nabasag ang salaming ng halos lahat ng mga gusaling nadamay sa pagsabog.
Nagtulong-tulong na ang mga ibang ahensya sa nangyaring pagsabog.