-- Advertisements --
Forever21
Forever21

Naghain ng bankruptcy ang fashion retailer na Forever 21.

Ayon sa kompaniya, nais nilang umalis na sa Asia at Europa at manatili na lamang sila sa Mexico at Latin Amerika.

Dahil dito ay inaasahan na isasara ang aabot sa 350 stores sa buong mundo.

Kabilang din dito ang may 178 din na US stores.

Itinaguyod ang nasabing kompaniya noong 1984 kung saan aminado sila na nalulugi na dahil sa pagdami na ng mga online shopping.

Pinag-aaralan pa ng kompaniya kung saan pang mga lugar sa iba’t ibang panig ng mundo ang maaari na rin nilang isara.