-- Advertisements --
dti ramon lopez

Tuloy-tuloy daw ang evaluation ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga safety seal applicants sa Metro Manila.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, hindi naman sila tumigil sa pagsusuri sa mga establisimiyento para makapagbigay ng seal sa mga compliant sa health standard.

Kabilang na rito ang pagiging bakunado ng mga empleyado, pagkakaroon ng screening area sa mga mayroong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) symptoms at contact tracing forms o QR code database.

Paliwanag ni Lopez, kabilang ang dami ng mga may safety seals ang naging basehan para ibaba ang alert level status sa isang lugar.

Makakatulong din umano ang naturang markings para mapayagan pa ang dagdag na 10 percent occupancy sa mga establisimiyento.

Nakakatulong din ito para magkaroon ng tiwala ang mas maraming customers sa isang restaurant, salon at iba pang puwesto na nagbibigay ng serbisyo.

Hangad ni Lopez na maibaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila kapag pumasok na ang buwan ng Disyembre.

Ang alert status na nabanggit ang magiging hudyat ng pag-iral ng new normal sa National Capital Region (NCR).