-- Advertisements --

Agad kinontra ng public health expert na si Dr. Tony Leachon ang anunsyo ni Health Sec. Francisco Duque na na-flatten na ng Pilipinas ang curve ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Leachon, na dating special adviser ng National Task Force against COVID-19, hindi pa maituturing na flattened o wala nang kaso ng sakit sa bansa kung pagbabatayan ang bilang ng mga bagong infected at namamatay.

“I don’t think we have flattened the curve based on our increase in cases, number of deaths, and full critical care capacity of NCR and Cebu hospitals.”

Payo ni Leachon, dapat suriing maigi ng Department of Health (DOH) ang kanilang mga datos para maayos din nilang magabayan ang Inter-Agency Task Force, pati na ang buong pamahalaan at publiko sa sitwasyon.

“Perhaps DOH should review their own data tp guide IATF, whole goverment and the public of the situation.”

Nitong Hunyo nang magbitiw sa pwesto si Leachon bilang special adviser ng NTF matapos umanong punahin sa kanyang mga pahayag tungkol sa aniya’y totoong sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic.