-- Advertisements --

Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Directoe Melvin Matibag na nananatiling valid o may bisa ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald dela Rosa kahit may nakabinbing petisyon sa Korte Suprema para harangin ang naturang warrant.

Ayon kay Matibag, nakikinig sila sa Korte Suprema ngunit malinaw aniyang may bisa pa rin ang ICC warrant, na nauna nang kinumpirma sa publiko noong nakaraang linggo.

Tinangka ng NBI na ipatupad ang warrant noong Mayo 11 ngunit inilagay ng Senado si dela Rosa sa “protective custody” kaya umatras ang ahensya dahil iginigalang umano nila ito.

Samantala, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hinihintay nito ang desisyon ng Korte Suprema bago kumilos sa warrant.

Matatandaang si dela Rosa ay itinuturing na ng ICC bilang “co-perpetrator” sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ikinasawi umano ng libu-libong indibidwal.

Naghain naman ang kampo ng senador ng ilang urgent motion sa Korte Suprema, kabilang ang pagpapatigil sa implementasyon ng ICC warrant.