Bumida si Sen. Manny Pacquiao sa isang basketball exhibition game sa Hamdan Sport Complex sa Dubai, United Arab Emirates.

Kumamada ang Pinoy boxing champion ng 35-big points pero bigo pa ring manalo ang kanyang MPBL Executives kontra sa Dubai DJ MC All Stars, 99-96, sa overtime game.

Bukod sa malaking bilang na puntos, nagtala rin si Pacman ng limang 3 point shots.

Agaw pansin naman ang tila walang takot na drives ng senador sa loob ng court.

Sa kabila nito, hindi umubra ang istilo ni Pacquiao, gayundin ang pagiging teammate sa PBA legend na si Kenneth Duremdes, na isang commissioner ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Si Pacquiao din ang CEO at founder ng naturang liga dito sa Pilipinas.