Iniulat ng pamunuan ng Manila Water Company Inc. na kanilang nalagpasan ang target nitong service connection noong nakaraang taon.
Sinabi ng kumpanya na nakapagtala ito ng 23,701 na mga bagong domestic connection mula Enero hanggang November 2023.
Nalagpasan nila ang kanilang full-year goal at umabot ito sa 19,898 o katumbas ng 20% service connection.
Ang Manila Water ay nag-install ng aabot sa 1.18 milyong service connetion ng tubig mula noong 1997, na binubuo ng higit sa 1.1 milyong domestic connection at higit sa 56,000 commercial or industrial connections.
Siniguro naman ng Manila Water na ang ganitong development ay makapagbibigay ito ng malinis at maiinom na tubig 24/7 sa 7.6 milyong customer nito.
Iniulat din ng kumpanya na ang non-revenue water nito, na kumakatawan sa water lost dahil sa mga pagtagas at iligal na koneksyon, ay patuloy na nananatiling mababa sa international standard.
Sa ikaapat na quarter ng nakaraang taon, ang NRW ng Manila Water ay nasa mas mababa sa 15 porsyento, na may average na 13.59 porsyento.
Ang rate na ito ay lumampas sa pamantayan ng World Bank na 25 porsyento.
Sa pagtatapos ng Nobyembre, ang Manila Water ay nagbigay ng sewer service sa kabuuang 288,490 account at nakapaglagay at nagpanatili ng kabuuang 468.41 kilometro ng mga sewer lines.
Higit pa rito, ang kumpanya ay nagbakante ng higit sa 103,000 septic tank mula Enero hanggang Nobyembre ng nakaraang taon.