-- Advertisements --
water

Ilang lugar sa tatlong lokalidad sa Lalawigan ng Rizal ay makararanas ng water service interruption sa loob ng anim hanggang walong oras sa pagitan ng Abril 17 at 22.

Ito ay upang bigyang daan ang nakatakdang maintenance works ng Manila Water.

Sa ilang bahagi ng Cainta at Antipolo, aabot sa anim hanggang walong oras ang pagkaputol ng serbisyo ng tubig dahil sa leak repair works sa loob ng Filinvest East Homes simula alas-10 ng gabi sa Abril 17, Lunes, hanggang 6 ng umaga sa Abril 18, Martes.

Ang mga apektadong lugar ay bahagi ng Barangay Mayamot, sa Antipolo City at Barangay San Isidro sa Cainta, partikular ang iba pang Subdivisions.

Mula alas-10 sa Abril 17 hanggang alas-4 ng umaga ng Abril 18, ang line maintenance work ng Manila Water ay magreresulta sa anim na oras na pagkaputol ng tubig sa ilang bahagi ng Barangay San Isidro sa Antipolo City kabilang ang Sitio Maligaya; Sitio Epheta; Sitio Riverside; Sitio Tanglaw; Hidden Valley; at Harmonious Neighborhood.

Sa Abril 19, Miyerkules, simula alas-11 ng gabi, ang ilang bahagi ng Barangay Sto. Nińo sa Cainta, at Barangay San Isidro sa Taytay, Rizal ay walang tubig hanggang 5 a.m. sa Abril 20 kasunod ng line meter at strainer declogging works.

Sa Binangonan naman, ang mga bahagi ng Barangay Darangan at ilang bahagi ng Barangay Pantok, ay walang tubig simula 10 p.m. noong Abril 21, Biyernes, hanggang alas-4 ng umaga ng Abril 22 ng Sabado.