Tiniyak ng Manila Water na magtutuloy-tuloy pa ang kanilang ginagawang expansion at maintenance ng kanilang water connections.
Ito ay bilang tugon na rin sa lumalaking bilang ng mga customer nito sa East Zone.
Batay sa datos , hanggang Nobyembre ng nakaraang taon umabot na sa 5,445.96 kilometers ng pipelines sa buong East Zone ng Metro Manila ang nailatag ng water concessionaire.
Sa isang pahayag, sinabi ni Jeric Sevilla, Director ng Communication Affairs Group, sa ngayon ay sumampa na sa 7.6 million customer ang binibigyang supply ng Manila Water.
Tiniyak rin ng opisyal na ang kanilang water concessionaire ay nakakasunod sa mahigpit na pamantayan ng Philippine National Standards para sa mga maiinom na tubig.
Sinabi pa ng opisyal na bukod sa expansion at maintenance ng clean water network, nagpapatuloy rin ang East Zone concessionaire sa kanilang expansion ng wastewater treatment at sanitation services sa mga customer nito.
Nakapag latag na rin ang kanilang kumpanya ng kabuuang 468.91 kilometers ng sewer lines hanggang Nobyembre ng pinalitang taon.