-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang desisyon ng Taiwan na palawigin pa ng isa pang taon ang visa-free entry scheme nito para sa mga Filipino simula Agosto 1.

Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office chair Silvestre Bello III sa isang pahayag na ang ganitong hakbang ay tiyak na higit na magpapahusay sa kalakalan at pakikipagkaibigan sa pagitan ng dalawang mga bansa.

Kung matatandaan, inanunsyo ng Taiwan na pinapayagan nito ang lahat ng mga Pilipino na maglakbay sa Taiwan nang walang visa para sa maximum na 14 na araw.

Ngayong taon, target ng Taiwan na makaakit ng mahigit 320,000 bisita mula sa Pilipinas.

Ayon pa kay Bello, inaasahan nila ang mas malakas na pagpapalitan sa field of labor, trade and investments at culture ng dalawang nasabing bansa.