Nananawagan ang isang mambabatas para sa pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education.
Ayon kay Manila 3rd district Rep. Joel Chua na panahon na aniya para mapanagot ito para sa mga aksiyon ng kaniyang pamilya.
Binanatan din ng mambabatas ang Bise Presidente ng pagiging fence-sitter umano nito o pagiging neutral sa mga isyu at pagpapanggap umano na kakampi ng Pangulo.
Sinabi din ng mambabatas na ilang beses aniyang nagbitiw ng mga insulto at pag-atake ng direkta ang pamilya ng Bise Presidente sa Pangulo subalit wala umano itong ginawa.
Saad pa ni Cong. Chua na kakaunti lamang ang nagawa umano ng Bise Presidente para magkaroon ng makabuluhang resulta sa DepEd kung saan kalihim ito.
Ang Catch-Up Fridays umano ng Deped ay pagsasayang lang ng oras nang walang maipakitang resulta..
Patuloy din umanong lumala ang learning deficits mula noong pandemiya dahil sa patuloy na pagpapatupad ng modules at online classes na hindi epektibo noong pandemiya hangang sa kasalukuyan.
Samantala, sa ngayon wala pang inilalabas na pahayag ang panig ng Bise President at DepEd kaugnay sa naging payhayag ng mambabatas.