-- Advertisements --
Screenshot 20210905 143057 Chrome

Natapos na ang kampanya ng Manila Chooks TM sa FIBA 3×3 Montreal Masters matapos maitala ang 0-2 standing sa tournament.

Tinalo ng local club Edmonton sa score na 21-16 ang pambato ng bansa sa pool stage ng kompetisyon na ginaganap sa Canada.

Binubuo nina Mark Yee, Mac Tallo, Zach Huang at Dennis Santos ang Manila Chooks at nasa koponan din si Chico Lanete bilang alternate.

Nakapagtala si Tallo ng 11 points sa laro.

Bago ang pagkatalo sa Edmonton, una nang natalo ang Chooks-to-Go backed team ng Antwerp ng Belgium, 21-11.

-- Advertisement --

Agad namang inako ni Manila head coach Aldin Ayo ang responsibilidad sa pagkatao ng koponan.

“We have no excuses. Hindi lumabas ‘yung mga pinractice namin. We as coaches are accountable, lalo na ako, sa result ng campaign natin. Hindi ko napalabas ‘yung mga pinrepare natin,” ani Ayo.