-- Advertisements --

Hindi muna maaaring tambayan ng publiko ang bahagi ng Manila Bay kung nasaan ang pinag-uusapang atraksyon na white sand beach dahil muli itong isinara ng mga otoridad.

Simula kaninang umaga, hindi na nagpapapasok ang mga opisyal sa white sand beach area dahil itutuloy na ng gobyerno ang hindi pa tapos na proyekto.

Kung maaalala, binuksan nitong weekend ang atraksyon, na agad namang dinumog ng mga tao. Hindi pa nga nasunod ang social distancing dahil sa hindi na rin makontrol na dami ng mga nagpunta.

Ayon sa bagong hepe ng Ermita Police Office na si Lt./Col. Alex Daniel, kailangang sundin ng publiko ang paalala ng concerned officials para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Tulad ng physical distancing at iba pang uri ng minimum health standard protocol.

Bukod sa bahagi ng baywalk area, hindi na rin papayagang mag-picture taking ang publiko mula sa overpass na nasa tabi ng US Embassy.