-- Advertisements --

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paghuhugas ng paa ng 12 indibidwal mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan ngayong Huwebes Santo.

Ayon sa Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM) na ang hakbang ay base na rin sa panawagan ni Pope Francis na dapat ay makinig ang simbahan sa anumang uri ng katayuan ng mga tao sa lipunan.

Ang mga indibidwal ay kinabibilangan nina Dr. Ryan Capitulo mula sa LGBT community, Commission on Elections (Comelec) spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, Judge Caroline Rivera-Colasito mula sa judiciary, Johhan Joseph Ararao mula sa Intramuros Administration, kalesa driver Cyril John Sunnga, jeepney driver John Michael Roldan, Angkas rider Manuel Jorge Manarang, mission station priest Ernesto Panelo, Sr. Liane Rainville, Alberto Mandia isang magsasaka, Dumagat indigenous elder Iluminada Sta. Ana at si Raffy Tima.

Isasagawa ang washing of the feet bilang bahagi ng evening mass ng Maundy Thursday sa Manila Cathedral sa oras ng alas-singko ng hapon.

Ang nasabing washing of the feet ay bahagi ng liturhiya na sumisimbolo sa Last Supper ni Hesus Kristo kasama ang kaniyang apostoles.