Nasa mabuti nang kalagayan ang isang mangingisdang Pilipino na nasagip ng mga tripulante ng Philippine Navy (PN) frigate na BRP Antonio Luna sa karagatan malapit sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Commander Ariel Joseph Coloma, tagapagsalita ng Western Command (Wescom) sa isang pahayag na ang paa ni Sonny Agting ay natamaan ng propeller ng kanyang bangka habang siya ay nangingisda.
Aniya, ang BRP Antonio Luna ay nagsasagawa ng routine maritime and sovereignty patrol malapit sa lugar ng aksidente at nakatanggap ng distress call mula sa mga tripulante ng fishing boat na FFB Camano 1, kung saan miyembro ang biktimang 46-anyos na si Agting.
Si Capt. Clyde Domingo, ang kapitan ng frigate, ay nag-ulat sa punong-tanggapan ng Wescom na ang kanyang mga tripulante ay nagbago ng kanilang ruta at agad na tumungo patungo sa posisyon ng bangkang pangisda pagkatapos matanggap ang tawag para sa tulong.
Ang mga tauhan ng Navy ay nag-deploy ng isang matibay na inflatable boat na may lulan ng rescue team para ilipat si Agting mula sa kanyang bangka patungo sa kanilang sasakyang-dagat para sa agarang medikal na atensyon.
Ang mga doktor na sakay ng frigate ay nagbigay ng emergecy medical care kay Agting, habang ang barko ay mabilis na tumulak pabalik sa mainland Palawan upang ihatid ang pasyente sa isang ospital.
Sa ngayon, ayon sa mga awtoridad, nasa maayos nang kalagayan ang mangingisda at kasalukuyan nang nagpagagaling.