TACLOBAN CITY – Patay ang isang mangingisda matapos itong matamaan ng kidlat sa District 1, Babatngon Leyte.

Kinilala ang biktima na si Diosdado Sabenorio, 58 taong gulang at nakatira sa Barangay Tinaogan, Basey, Samar.

Ayon kay Police Lt. Melvin Ay-ay, ng Babatngon Municipal Police Station, nasa gitna ng laot ang biktima kasama ang kapatid nito na nangingisda nang bigla na lamang tumama ang malakas na kidlat sa kanila.

Nagtamo ang biktima ng first degree burn na dahilan ng kaniyang agarang pagkakamatay samantala maswrerte namang nakaligtas naman sa kapahamakan ang kapatid nito.