LA UNION – Arestado ang isang mangingisda sa isinagawang anti-illegal fishing operation ng mga kawani ng Aringay Police Station, Phil. Coast Guard at Bantay Dagat sa karagatang sakop ng Barangay Alaska sa bayan ng Aringay.

Nakilala ang suspek na si Ricky Cortez, 50-anyos, may asawa, residente ng Barangay San Julian, Agoo, La Union.

Base sa report, ipinatupad ang operasyon bandang alas-2:00 kahapon.

Kinumpiska rin ng mga otoridad mula sa inarestong mangingisda ang isang bangka, fishing net at mga huli nitong isda na may bigat na 40 kls at tinatayang nagkakahalaga ng P5,000.