Nanindigan si Senator Risa Hontiveros sa pagtutol na gawing mandatoryo ang Reserve Officer Training Corps (ROTC) program para sa mga estudyante.
Paliwanag ng Senadora na mayroon namang iba’t ibang paraan para maipakita ng mga kabataan ang kanilang pagmamahal at pagsisilbi sa bayan.
Ayon sa mambabatas ang militaristic mindset ay hindi dapat na maitanim sa isip ng mga kabataan sa halip ay dapat na hikayatin sila na makibahagi sa mga aktibidad na mas demokratiko.
Una rito, sa unang State of the Nation Address ng Pangulong Bongbong Marcos, isa sa prioritize bill na nabanggit ng Pangulo ang pagsusulong ng mandatory ROTC program para sa mga senior high school students.
Ilang mga Senador na rin ang naghain ng hiwalay na panukala para mainstitutionalize ang ROTC program.
Maging si Senate President Miguel Zubiri na isa sa mga mambabatas na nagsulong noon para buwagin ang ROTC dahil sa pagkasawi ng isang estudyante ay bukas na rin para sa pagbuhay ng mandatory ROTC.
-- Advertisements --