Reading Time: 1 minute

Target ng Mandaluyong Tigers na kunin ang dating manlalaro ng Barangay Ginebra na sina Jayjay Helterbrand at Willie Miller.

Ang nasabing hakbang ay matapos ang ginawa nilang pagbabago sa management bago ang pagsisimula ng bagong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Ayon sa bagong team owner na si Banjo Calpito, na may malaking tulong ang dalawa sa koponan.

Nauna ng kinuha ng koponan si Rodney Santos na naglaro minsan sa Ginebra at ngayon ay bahagi ng coaching staff.