DAVAO CITY- Nakakulong ang tatlo katao na nasangkot sa investment scam na ENCO kasama ang Manager nito matapos itong nahuli ng mga pulis.

Sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ng Korte, nadakip ng Tagum PNP ang suspek na kinilalang si Berneche Azucena at Ador Redoble dahil sa kasong Syndicated Estafa.

Maliban kay Berneche Azucena, manager ng ENCO Mankilam Branch, dinakip rin ang kanyang kapatid na sakop ng Bureau of Fire Protection na kinilalang si George Azucena na inaresto ngayon sa New Corella PNP.

Samantala, patuloy paring pinaghahanap ng mga otoridad sila Vanessa Briones na sinasabing CEO ng ENCO, Danica Akiatan, Janine Mae Arana, Rheynold Amor alyas Reynald Tampon, Rommel Mission at Maryjean Aguilar na parehong may mga warrant of arrest.

Ang ENCO nagsimula noong April 2019 at marami ang nag-pay in dahil sa pangako nitong magbibigay ng 300 percent interest kada buwan.

-- Advertisement --