-- Advertisements --

Nagpa-abot ng pakikiramay si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan sa pamilya ng pumanaw na Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople.

Ayon kay Yamsuan hindi matatawaran ang integridad at ang dedikasyon nito sa serbisyo publiko na siyang nagsilbing inspirasyon sa lahat.

Dagdag pa ng mambabatas na bilang pangulo at founder ng Blas F. Ople Policy Center and Training Institute, walang pagod na ipinaglaban ni Toots ang karapatan at kapakanan ng mga nahihirapang manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

Kaniyang ipinagpatuloy ang kanyang panghabambuhay na misyon na protektahan ang mga OFW nang siya ay italaga bilang kauna-unahang Kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.”

“I join the nation in mourning Toots’ passing. This is a personal loss for me and my family. Toots was our “kinakapatid” as Ka Blas was godfather to Cathy and I when we got married,” pahayag ni Yamsuan.

Binigyang-diin ni Yamsuan na hindi malilimutan si Toots, kapwa bilang isang matalik na kaibigan at bilang isang modelo ng huwarang serbisyo publiko.

Ang mga nakakakilala sa kanya at ang kanyang kabaitan ay laging papahalagahan ang kanyang alaala.