-- Advertisements --
Isinusulong ni Quezon 3rd District Rep. Reynan Arrogancia ang karagdagang marine hatcheries upang matiyak na may sapat pa ring suplay ng isda sa panahon ng closed season.
Naniniwala kasi ang mambabatas na kung mayroong sapat ng marine hatchery ay hindi na kailangan pang mag-import ng isda ang bansa.
Batay anya sa datos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mayroong 37 hatcheries at 39 na marine parks sa bansa.
Simula kahapon, November 15, ay ipinatupad ng BFAR ang closed season sa ilang bahagi ng bansa na siyang pangisdaan, na magtatagal hanggang February 15 ng susunod na taon.
Ito ay upang mabigyang pagkakataon ang mga isda na makapag-repopulate.