CENTRAL MINDANAO-Dinagsa ng maraming mga residente ng syudad ng Kidapawan na gustrong magpabakuna kontra Coronavirus Disease (Covid-19).
Ikinatuwa ng LGU-Kidapawan City ang tugon ng mamamayan lalo na ang mga matatanda na gustong magpaturok ng bakuna.
Patuloy ang pagtaas ng mga nagpositibo sa nakakahawang sakit ngunit marami rin ang gumaling.
Humingi ng pasensya ang lokal na pamahalaan dahil sa hindi pa rin sapat ang suplay ng bakuna na dumadating sa lungsod sa ngayon ngunit sa mga susunod na araw aasahang darating na ang mas maraming bakuna galing sa pamahalaan.
Maliban pa ditto ang pagdating ng 40,000 doses ng COVID vaccine na binili na LGU para sa mga target na mamamayan nito.
Sa ngayon ang vaccination capacity sa lungsod ay nasa 500 vaccinees bawat araw. Target din na bago matapos ang buwan ng hulyo ay gagawing 1,000 vaccinees per day.
Nag alok na rin ang private hospitals na tutulong sa vaccination roll out kabilang na ang Cotabato Provincial Hospital.
I-retrofit na rin ang City Bus para gawing mobile vaccination hub upang maka-cater lalo na sa mga malalayong barangay.
Kasalukuyan kasing sundo hatid ang mga senior
Ang panawagan ngayon sa publiko na sa pagdating ng mga biniling bakuna ay magbakuna ang lahat dahil ito lamang ang solusyon na mapigilan ang pagkalat ng virus.
















