Naglabas ng inisyal na pagtaya ang Comelec sa posibleng dahilan ng deactivated status ng ilang botante, kahit nakaboto sila sa nakaraang halalan.
Ayon kay Comelec Comm. George Garcia, maaaring resulta lamang ito ng maling record entry.
Kung minsan aniya ay mayroong naisasamang “Jr” sa record, ngunit hindi naman pala ito bahagi ng tunay na pangalang nakatala.
May dating mahistrado pa nga aniya na hindi makita ang record, bagay na kasama sa kanilang mga sinisiyasat.
Dagdag pa ni Garcia, may ilang botante na hindi nakapirma sa voter’s log matapos na bumoto noong mga nakaraang eleksyon, kaya nailagay sila sa talaan ng mga hindi aktibo.
Payo nito, dumulog na lang mula sa local Comelec office ang mga nakakita ng error sa kanilang precinct finder upang mabatid ang detalye kung bakit naging deactivated ang kanilang voter status.