-- Advertisements --

Nakapanghihinayang umano ang pagtutol ng mga mamamayan ng Bulacan na palayain ang San Jose Del Monte, nang inayawan nila sa isang referendum sa pag-convert ng lungsod bilang component city to highly urbanized city (HUC).

Naniniwala ang Pinoy Aksyon, isang think-tank on governance na “nabiktima yata ng ‘fake
news’ ang mga taga Bulacan, dahil ang transition ng lungsod into a highly urbanized city (HUC) ay magdadala sana ng mas marami at mas malaking development projects at opportunities sa buong probinsya.

Ayon kay BenCy Ellorin, ang convernor ng Pinoy Aksyon, buong Bulacan ang natalo at hindi ang San Jose Del Monte.

Maunlad na umano ang siyudad at para itong anak na magsasarili dahil kaya na niyang tumayo sa sariling paa.

Ngunit maramot at ‘selfish’ ang magulang, ayon pa sa grupo.

Bagaman naiintindihan ang motibo ng provincial Government ng Bulacan na tutulan ang pagiging HUC ng San Jose Del Monte, dahil kawalan ito, anti development naman na maituturing ang pagtutol sa transition ng isang lungsod sa mas mataas na klasipikasyon.

Paniniwala nang Pinoy Aksyon na tila may bahid ng crab mentality sa pangyayari.

Ang pagiging highly urbanized city ay magreresulta ng kawalan ng jurisdiction ng provincial government at ang mga local ordinances, kasama ang annual budget, hindi na sana dadaan sa Sanguniang Panglalawigan at mas mabilis at mas malaya ang decision-making ng
LGU.

Sabi pa ng tink tank, mukhang dahil sa takot na mawalan sila ng powers sa progresibong lungsod at may naganap na misinformation and disinformation na nangyari para matakot ang mga Bulakeño.