-- Advertisements --

Pinagpipilian ng Malaysian government kung papatawan ng multa o ikukulong ang sinomang mamamayan ng bansa na hindi magsusuot ng mask sa oras na imandato ang paggamit nito sa pampublikong lugar.

Sinabi ni Health director-general Datuk Dr. Noor Hisham Abdullah na mas lalong tumataas ang kaso ng deadly viurs sa bansa.

Sa 15 naitalang bagong kaso ng COVID-19, 11 umano rito ang locally transmitted.

“The Health Ministry is encouraging the use of face masks, especially in public places, high-risk places or places where social distancing of one meter apart is hard to enforce.”

“We have currently not made it mandatory because once we make it mandatory under the Act, we would have to consider the punishment,”

“We are still looking at the punishment – whether to fine or give jail time for those not wearing face masks – once its use is made compulsory,” saad ni Abdullah sa isang press briefing.

Dagdag pa ng doktor na ang naturang rekomendayon ng health ministry sa paggamit ng face masks ay makakatulong umano upang mabawasan ang risk ng infection ng 65 percent, habang 70 percent naman ang social distancing.