Dumating na sa bansa si Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Bago mag ala-1:00 ng hapon nang lumapag ang eroplano na sa Clark, Pampanga na sinalubong ng cultural dance ng mga estudyante mula Pampanga.

Kasama na dumating ni Razak ang kaniyang First Lady at ang delegado nito.

Didiretso ng Manila si Razak.

Si Razak ang ikatlong world leader na dumating ngayong araw sa bansa para dumalo sa ASEAN Summit.

Halos magkasabay na dumating sina Razak at Indonesian President Joko Widodo na minuto lamang ang interval.

Pabalik balik na rin ng bansa si Razak.

Si Presidential Secretary on the Peace Process Jesus Dureza ang sumalubong kay Razak.