
Nangako si Malaysian Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim ng patuloy na pagbibigay ng tulong para sa mga mamamayan ng Bangsamoro para sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Mindanao.
Sa bilateral meeting ng Malaysian PM kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Malacanang, sinabi ng PM na maisasagawa ito sa pamamagitan ng capacity-building programs kabilang na ang Malaysian technical cooperation program.
Nagpaghayag din ng pasasalamat ang PM sa pagsusumikap ng Pilipinas para mapanatili ang kapayapaan sa Bangsamoro region.
Kinilala din ni Pangulong Marcos Jr. ang malaking kontribusyon ng Malaysiya para sa peace process sa southern part ng bansa. Umaasa din ang Punong ehekutibo na ito ay magtutuluy-tuloy para sa matagumpay na peace process at establishment ng Bangsamoro Autonomous Region.
Una rito, dumating sa bansa ang Malaysian PM para sa dalawang araw na official visit.
Ang PM ang kauna-unahang foreign head of state na bumisita sa bansa sa ilalim ng Marcos Jr. administration.
















