KALIBO, Aklan – Naghihintay pa ng “go signal” mula sa provincial government, Department of Tourism at National Inter-Agency Task Force ang lokal na pamahalaan ng Malay at mga stakeholders kaugnay sa hiling na payagan ang paggamit ng mga turista ng COVID-19 saliva test upang makabakasyon sa isla ng Boracay.
Ayon kay Malay Municipal Tourism Officer Felix delos Santos na naghain ng Resolution No. 6 Series of 2021 noong Pebrero 10, 2021 si Malay Mayor Frolibar Bautista na nag-e-endorso sa pagtanggap sa saliva test para sa mga Boracay tourists.
Maliban aniya na mataas ang accuracy rate ay mas mura pa ito kumpara sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) swab test.
Mas mabilis rin umanong malaman ang resulta ng saliva test, kung saan sa loob ng tatlo hanggang apat na oras ay may resulta na kumpara sa 24 oras na paghihintay sa swab test.