-- Advertisements --
image 55

Wala munang balak na magpatupad ng malawakang balasahan sa opisyal ng buong hanay ng kapulisan si PNP chief PGEN Benjamin Acorda Jr.

Ito ay matapos ng kauna-unahang minor reassignment na kaniyang ipinatupad sa limang senior officials ng PNP ilang araw lamang matapos ang kaniyang pormal na pag-upo bilang bagong hepe ng pambansang pulisya.

Paliwanag ni PNP-PIO chief PCOL Redrico Maranan, ang naunang balasahan daw kasi na ipinatupad ni acorda ay upang punan ang kaniyang iniwang posisyon na directorate for intelligence ng PNP nang tanggapin niya ang tungkulin bilang bagong pinuno ng PNP.

Ngunit nilinaw niya na sa kabila nito ay wala pang plano si Gen Acorda na magpatupad pa ng mas malaking balasahan sa mga opisyal ng pulisya dahil nais aniya munang malaman at siyasatin ng heneral ang performance ng mga ito.

Kung maaalala, epektibo mula Mayo 2, 2023 ay nagpatupad ng minor reorganization si Gen Acorda sa limang senior officials ng pambansang pulisya na pupunan sa mga posisyong directorial staff at regional police offices.

Kani-kanina ay kakatapos lamang ng command visit ceremony ni pnp chief acorda sa tanggapan ng NCR Police office dito sa camp bagong diwa, Taguig City kung saan binigyan niya ng pagkilala ang highly commendable na performance ng mga tauhan ng Metro Manila police kasabay ng kaniyang pagbibigay diin sa pagtataguyod sa transparency lahat ng operasyon ng pulisya, at marami pang iba.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang command conference dito pa rin sa camp bagong diwa na pinanungahan