-- Advertisements --

Naghahanda na ang mga kumpanyang binubuo ng Malampaya consortium para sa panibagong round ng ‘capital expenditures call’ para i-bankroll ang kanilang drilling ng 2-3 wells bilang isa sa mga pangunahing kondisyon sa kanilang 15-year contract extension.

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, ang pera mula sa kasalukuyang mga operasyon ay magagamit na pondo para sa nasabing drilling.

Aniya, may mga terms and conditions para sa extension, na kailangang mag-drill ng 2 wells sa loob ng isang partikular na panahon.

Matatandaan na nang ang Malampaya contract extension ay inihayag sa taong ito, ang field operator na Prime Energy ay nagpahiwatig na ang laki ng puhunan na ilalabas sa bawat balon ay $80 hanggang $90 milyon.

Samakatuwid, ang drilling ng 2-3 wells ay maaaring umabot sa $240 hanggang $270 million.

Batay sa work program na isinumite sa Department of Energy (DOE), ang planong exploration at drilling activities ay magsisimula sa susunod na taon at ito ay aabot hanggang 2029.