Asahan pa umano ang malalimang imbestigasyon ng Senado ukol sa kontrobersiyang bumabalot sa pagkakapili ng Land Transportation Office (LTO) sa ilang inspection centers.

Ayon kay Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe, marami pa silang nasilip na isyu sa mga nagdaang hearing, kaya itu-turn over nila ang mga nakalap na impormasyon sa Senate blue ribbon committee.

Pero sinabi ni Poe na may hiwalay nang rekomendasyon ang kanilang lupon para sa ikaaayos ng sistema sa LTO, para mailayo na rin sa posibleng korapsyon.

Sa ngayon, wala pang naitatakdang pagdinig ang blue ribbon panel.