-- Advertisements --
Asahan pa umano ang malalakas na ulan sa katimugang parte ng Mindanao, kahit nanatiling mahina ang low pressure area (LPA).
Huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 465 km sa silangan ng General Santos City.
Kasabay nito, may mga pag-ulan pa rin sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa localized thunderstom.
Habang ang hanging amihan naman ang nakakaapekto pa rin sa Northern Luzon.