-- Advertisements --
Makakaranas pa rin ng makulimlim na panahon sa malaking bahagi ng bansa kahit walang umiiral na bagyo.
Ito ang naging pahayag ng Pagasa dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ) na umaabot mula sa Luzon hanggang sa Visayas.
Partikular na magkakaroon ng maulap na papawirin at may mga biglaang ulan ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Northern Mindanao at Caraga.
Maliban dito, lantad rin sa baha at pagguho ng lupa ang low lying areas dahil sa severe thunderstorms sa dakong hapon at gabi.