-- Advertisements --

Positibo si Tourism Sec. Christina Frasco na lalago na ang turismo sa lalawigan ng Sulu.
Ito ang naging pahayag ng kalihim, kasunod ng kaniyang personal na pagdalaw sa nasabing isla, para makibahagi sa ilang aktibidad doon.
Ayon kay Frasco, ang gumagandang peace and order situation sa lugar at ang natural na ganda ng probinsya ang malaking asset ng Sulu.
Maging ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa bisita ay “plus factor” para sa pinalalakas na larangan ng turismo at ekonomiya.
Labis naman ang kagalakan ni Sulu Gov. Abdusakur Tan sa ginawang pagdalaw ng kalihim.
Pagbabahagi pa nito, si Frasco raw ang kauna-unahang Tourism secretary na nakarating sa kanilang lugar at ito ay kanilang ipinagpapasalamat.