tacloban asian devt
Asian Development Foundation College, Tacloban City

TACLOBAN CITY – Pansamantalang sinuspendi ng city engineer’s office ang operasyon ng eskwelahan ng Asian Development Foundation College matapos na makitaan ng maraming cracks mula sa nangyaring 6.5 magnitude na lindol sa Eastern Visayas na sumentro sa San Julian, Eastern Samar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Tacloban mula kay Engr. Felipe Picardal, assistant city engineer sa siyudad ng Tacloban, sinabi nito na magiging delikado para sa mga estudyante kung patuloy ang pag-operate nang nasabing eskwelahan dahil sa pinsala nito.

Nagpalabas na rin ng cease and desist order ang lokal na pamahalaan ng siyudad upang masiguro ang kaligtasan ng mga bata at mga empleyado sa lugar.

tacloban asian devt coll
Asian Development Foundation College, Tacloban City
asian devt coll tacloban

Batay sa kanilang evaluation, nakitaan ng malalaking cracks sa pader ang naturang building, maging ang mga hagdanan at halos bumigay na rin ang pader sa may ground floor nito.