-- Advertisements --

Nasunog ang Grunewald forest sa Berlin, Germany.

Nagbunsod ang nasabing sunog sa tinaguriang pinakamalaking city forest ng bansa matapos ang ginawang disposal ng mga kapulisan sa mga nakumpiska nilang pampasabog.

Kumalat ang nasabing apoy sa 15,000 square meters.

Ayon sa Berlin fire brigade na bago ang sunog ay nakarinig ang mga ito ng malakas na pagsabog.

Nagtulong-tulong na ang mahigit 100 na bumbero para tuluyang maapula ang nasabing sunog.

Nanawagan din ang mga ito sa residenteng malapit sa lugar na lumikas pansamantala dahil sa lubhang mapanganib ang sitwasyon.

Dahil sa nasabing pagsabog ay pansamantalang itinigil ang operasyon ng train at paghihigpit sa mga kalsada.