Naglabas na rin ng kanilang posisyon ang malaking grupo ng mga Filipino-Chinese businessmen ukol sa pag-iral sa bansa ng Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Binigyang diin ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) sa ginanap na Senate hearing na hindi sila sang-ayon sa mga iligal at unregistered na mga POGO sa bansa.
Sinabi pa sa statement ng mga Filipino-Chinese businessmen at maging ng Philippine Chinese Chamber of Commerce na dapat timbangin ng Senado ang naibibigay na economic benefits at social impact mula sa pag-iral ng kontrobersiyal na gambling industry.
Nilinaw pa ng grupo na dapat lamang ipa-deport ang mga iligal, walang permits at walang valid government visa na mga POGO employees na kanila ring mga kababayan.
Ang posisyon ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. ukol sa POGO ay binasa ng kinatawan na si Wilson Flores.