-- Advertisements --

Nakaranas ng kawalang ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Spain at Portugal.

Dahil dito ay naantala ang operasyon ng train system at paliparan sa nasabing bansa.

Nadamay din ang Basque County sa southwest ng France kung saan agad na itong nakabalik ang suplay ng kuryente.

Tiniyak naman ng Spanish electricity provider na Red Electrica na kanilang gagawin ang lahat para maibalik ang suplay ng kuryente.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing pagkawala ng suplay ng kuryente.