-- Advertisements --

May mga adjustments na ipapagana si Gilas Pilipinas coach Tim Cone laban sa Jordan para sa kanilang paghaharap sa finals ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Hindi aniya nila papayagan na maulit pa na sila ay talunin ng Jordan gaya ng nangyari sa group stage na tinambakan sila 87-62.

Itinuturing kasi ng Gilas na team to beat ang Jordan dahil sa wala pa silang naging talo.

Umaasa ang Gilas coach na maulit pa nila ng ginawang pagpupursige ng mga manlalaro ng talunin ang China sa semfinal round.

Isa kasi sa mga nagdala ng panalo ng Jordan ay si Rondae Hollis-Jefferson na mayrong average na 19 points, 5.2 rebounds, 4.2 assist at 1.8 steals.

Magaganap ang nasabing finals ng Gilas kontra sa China dakong alas-8 ng gabi ng Biyernes.