-- Advertisements --
Nakatakdang magpatupad ang mga oil companies ng umento sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito na ang ikalawang sunod na linggo na magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.
Ayon sa mga energy sources, papalo sa P0.95 hanggang P1.05 ang umento sa kada litor ng diesel habang P0.75 hanggang P0.90 naman sa kada litro ng gasolina.
Ang kerosene ay may malaki ring price adjustment na papalo sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro.
Karaniwang inaanunsiyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ipatutupad ang adjustment sa araw ng Martes.