-- Advertisements --

Makikipag-ugnayan ang Presidential Communications Office sa kaukulang mga ahensya para sa kaukulang hakbang laban sa mga nasa likod ng talamak na disinformation.

Batid ng Malakanyang ang paglaganap ng fake news kasunod ng pag-aresto kay dating Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro na pinag-aaralan nila ang nararapat na aksiyon para matigil ang ganitong gawain.

Una nang sinabi ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police na iniimbestigahan at naglalatag na sila ng plano para habulin ang mga nagpapakalat ng fake news.

Sa panig ng PCO, sinabi ni Castro na patuloy nilang pagsisikapan na malabanan ang disinformation sa pamamagitan ng press briefing at live discussion para malaman ng mga tao kung ano ang totoo at hindi.

Hiningi rin nito ang tulong ng media para sa fact-checking ng lumalabas na mga impormasyon lalo na sa social media.