Nananatili sa pinaka mataas na antas ang level ng seguridad sa Palasyo ng Malakanyang.
Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Jonvic Remulla, kasunod ng kaguluhan na nangyari sa Mendiola.
Sa Press Briefing sa Malakanyang sinabi ni Remulla, nananatili ang banta sa Palasyo lalo at ito ang sentro ng Kapangyarihan ng gobyerno.
Dahil dito hindi ibinababa ang alert level sa Malakanyang.
Kinumpirma din ni Remulla na nasa isang secured na lugar sa palasyo si Pangulong Marcos kahapon at mino monitor ang mga kaganapan sa mga ikinasang kilos protesta.
Aniya, magka-usap sila ng Pangulo kahapon at dahil sa nangyaring tensiyon, pinapunta ng Pangulo si Remulla sa Mendiola upang personal na i-assess ang sitwasyon.
Giit ni Remulla, batid ng Pangulong Marcos ang mga nangyayari.
“ Malacañang always maintains one threat level, it is never downgraded as long as the President, being the seated power of the country, the threat level is just one, it’s always high,” pahayag ni Sec. Remulla.