-- Advertisements --

Pag-aaralan pa ng Malacañang ang request ng mga business at labor leaders na maglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order na magpapaliban sa pagtaas ng buwanang Social Security System (SSS) contribution ng mga manggagawa at kanilang employers.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, posible kasing mangangailangan ng batas para sa sa pagpapaliban ng SSS contribution hike.

Sa isang joint letter na may petsang Setyembre 27, sinabi ng mga business at labor groups na ang issuance ng EO ay makakatulong sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) para sila ay patuloy na makapag-operate at makapagbigay ng trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga signatories sa liham na ito ay ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Philippine Exporters Confederation (PhilExport), Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Federation of Free Workers (FFW) at limang iba pa.