Itinanggi ng Malacañang ang alegasyon ni Batangas Rep. Leandro Leviste kaugnay ng umano’y ₱7.5 bilyong pondo na iniuugnay kay Executive Secretary Ralph Recto, na sinasabing nakabatay sa tinatawag na “Cabral files.”
Ayon kay Palace Press Officer, Undersecretary Claire Castro, mahirap tugunan ang mga paratang na walang ipinapakitang dokumento, malinaw na basehan, o ebidensiya ng anomalya.
Sinabi ni Castro na kinumpirma ng Office of the Executive Secretary na walang katotohanan ang naturang alegasyon at itinuturing itong fake news.
Dagdag pa ni Castro, wala pang nakikitang anumang dokumento ang media o ang Malacañang na magpapatunay sa paratang ni Leviste.
Binigyang-diin ng Malacañang na hindi maaaring paniwalaan ang mga akusasyong pawang insinuasyon at walang sapat na ebidensiya.










