-- Advertisements --

Inihayag ni Palace Press Officer Claire Castro na kasalukuyan nang isinusulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang digital system na gagamit ng electronic wallet para sa mas mabilis at mas maayos na pamamahagi ng ayuda sa PUV drivers.

Ayon kay Castro, layunin ng hakbang na mabawasan ang aberya sa payout at mapadali ang pagtanggap ng ayuda ng mga benepisyaryo.

Kaugnay nito, nanawagan din ang opisyal sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na tiyaking kabilang sila sa listahan ng mga makatatanggap ng ayuda bago pumunta sa mga payout center. Pinayuhan niya ang mga ito na makipag-ugnayan muna sa kanilang Transport Network Vehicle Service (TNVS) companies upang maiwasan ang mahabang pila at abala.

Ito ang tugon ng palasyo Malacañang sa mga hinaing ng PUV drivers sa pagkuha ng kanilang mga ayuda na kalaunan ay may naiulat na nasawing motorcycle taxi rider.