Nanawagan ngayon ang Malacañang sa lahat ng mga Pilipino na suportahan si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio kasabay ng kanyang inagurasyon bilang ika-15 bise presidente ngayong araw.
Sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar sa isang statement na maging ang lahat daw ng mga nahalal na opisyal ay dapat ding suportahan ng lahat ng mga Pinoy.
“We once again express our deep gratitude to the Filipino people for the trust and support they have given to the Vice President-elect. Let us stand behind Vice President-elect Duterte and all other newly elected leaders as they embark on the responsibilities and challenges of their offices and fulfill their mandate of delivering genuine change to our beloved country,” ani Andanar.
Una rito, sinabi ni Duterte-Carpion kahapon na ang kanyang inauguration speech ay maiksi lamang dahil na rin sa lagay ng panahon.
Ang kanyang inaugurasyon ay isasagawa sa kanyang balwarte sa Davao City.
Manunumpa ito sa harap ni Supreme Court (SC) Associate Justice Ramon Paul Hernando.
Isasagawa naman ang event sa San Pedro Square simula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi.
Dadalo sa inagurasyon ang ama ni Mayor Inday Sara na si President Rodrigo Duterte at ang kanyang running mate na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.