DAGUPAN CITY – Naninindigan si dating Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano sa paniniwala nitong Malacañang ang nasa likod ng mga kasong isinampa laban sa kanya at mga kapwa opisyal mula sa oposisyon kaugnay ng “Ang Totoong Narcolist” video.
Sa panayam ng Bombo Radyo inihayag ni Alejano ang pangma-maliit sa hakbang na ginawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Malinaw daw kasi na walang basehan ang mga pahayag ng lalaki sa video na nagpakilalang si Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy.
Halata rin umano ang tugon ng pulisya noon na nagbantang aarestuhin si Advincula nang idawit nito ang pamilya Duterte sa unang salaysay nito.
Pero nang baligtarin nito ang sinabi at ituro ang oposisyon ay tila hind na nagatubili ang mga otoridad na patulat at sampahan na rin ang mga kritiko ng pangulo.
Nauna nang itinanggi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na walang kinalaman ang palasyo sa mga reklamo laban sa bise presidente at si alyas ‘Bikoy’ naman anya ang nasa likod nito.